Sa pamamagitan ng isang buradong Facebook video ay pinagsalitaan ni Maegan Aguilar si Senador Raffy Tulfo na nauna nang tumanggi sa kaniyang tumulong, matapos umanong magpositibo sa paggamit ng droga.

Aniya, hindi niya kailangan ang rehab kundi counselling. Kahit na hindi siya tinulungan ni Tulfo ay marami naman daw mabubuting loob na tumulong sa kaniya. Ibinida pa ng anak ni Ka Freddie Aguilar kung saan siya tumutuloy ngayon, bagay na hindi raw maibigay sa kaniya ng senador-journalist.

"I don’t need your help. I don’t need rehab. If anything I need counselling. That’s what I need. If anything I need a listening ear, a shoulder to cry on. That’s what I need. I don’t need rehab na tuturukan ako ng kung ano-ano, anti-psycho, anti-depressant. It’s not for me, okay," ani Maegan.

Wala na siyang pakialam kung patuloy pa raw siyang puputaktihin ng bashers at detractors, dahil biyaya naman daw at simpatya ng mga taong "may utak" na nakakaunawa sa kaniyang kondisyon ag "karma" sa kaniya.

Sen. Raffy Tulfo, inatras-tulong kay Maegan Aguilar matapos magpositibo sa droga

"And I don’t care kung ayaw n’yong maniwala, you wanna continue bashing me, go ahead, go ahead. Kasi ang balik sa akin blessings, ang balik sa akin simpatiya at pagmamahal ng mga taong may utak, hindi tulad n’yo."

Screengrab mula sa buradong FB post ni Maegan Aguilar

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Sen. Tulfo tungkol dito.