Marami ang humanga sa taglay na alindog ni Vivamax star AJ Raval na makikita sa kaniyang pag-awra-awra sa latest TikTok video niya.
Sa video, todo-awra si AJ sa saliw ng awiting "Beauty and the Beat" ni Justin Bieber.
Kaya naman, puri ng netizens, siya raw ang "Hailey Bieber" ng Pinas.
Sa kabilang banda, ilang bashers ang nagbiro at nagpasaring kay AJ na kesyo parang hindi raw siya nanganak dahil sa taglay na kaseksihan at kariktan.
Hiniritan din nila ito ng "anak reveal" at "baby reveal."
"Anak reveal!"
"baby reveal naman diyan"
"Ganyan din ako after manganak puro na TikTok."
"gandang Kylie Padilla yarn♥️Ily Kylie"
"Pasama si baby sa vlog."
"The design is very kylie . the hair , the way she wears her lipstick😂."
"Sino nag-aalaga ng anak mo?"
Matatandaang umingay ang isyung kaya medyo nanahimik sa showbiz si AJ kamakailan ay dahil nanganak ito sa panganay nila ng boyfriend na si Aljur Abrenica, na inispluk din nina Ogie Diaz at Cristy Fermin.
Ilang beses naman itong pinabulaanan ng sexy actress.
Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si AJ tungkol dito.