'Gaano magmahal ang mga lola?'

Walang pagdadalawang-isip na inalalayan at sinamahan ni Lola Corason Morellio ang kaniyang apo na si Yhouhan Veronia upang marating ang finish line matapos itong tumigil sa pagtakbo sa gitna ng patimpalak sa probinsya ng Quezon.

Sa ulat ng DepEd Tayo Quezon, isang SPED athlete si Veronia at manlalaro ng District II sa kategoryang 100 at 200 meter sprint sa ginanap na Palarong Quezon 2023 sa Lusacan Tiaong, Quezon noong Linggo, Marso 5.

Sa kalagitnaan umano ng karera para sa kampeonato sa nasabing patimpalak, biglang huminto sa pagtakbo si Veronia ilang metro ang layo mula sa starting line.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Nang mapansin naman ito ng kaniyang lola, doon ay agad na umano niyang nilapitan si Veronia at hinawakan ang kamay para alalayan sa pagtakbo.

Hindi ininda ni Lola Corason ang init ng araw at sinamahan ang kaniyang mahal na apo sa pagpapatuloy ng laban papuntang finish line.

Ayon pa umano kay Lola, sa simula pa lamang ng laban ay plano na talaga niyang samahan ang kaniyang mahal na apo sa pagtakbo.

Ayos lang din daw sa kaniya kung manalo man o matalo ang kaniyang apo sa patimpalak, ang mahalaga ay maging masaya ito sa naturang araw.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!