Bukod sa social media personality na si Jack Logan, nakisali na rin sa pambabarda kay Rendon Labador ang Pinoy rappers na sina Smugglaz at Bassilyo, na parehong naging bahagi ng "FPJ's Ang Probinsyano" na pinagbidahan at idinerehe ni Coco Martin.

Matatandaang sinita ni Rendon si Coco dahil sa balitang marami raw mga nagtitinda sa Quiapo ang pumapalag na dahil nawawalan ng kita at naiistorbo sa shooting ng "FPJ's Batang Quiapo."

Hamon ni Rendon kay Coco na itigil na lang ang palabas para wala nang maistorbong mga nagtitinda roon.

Bagay na pinalagan naman ni Logan. Dumagdag pa rito sina Smugglaz at Bassilyo.

Jack Logan tinawag na 'bulateng muscle man' si Rendon Labador

Sa comment section ng isang Facebook post ay nagkasagutan pa ang dalawa laban sa isa.

“Tol nagne-name drop ka na ah at nagsalita ng mga di maganda paalala lang din hindi kami mga Cartoons dito mga totoong tao kami sana kaya mo din s'ya sabihin nang harapan tutal malaki ka na po,” sey ni Smugglaz kay Rendon.

“Pwede naman talakayin 'yang isyu ng di ka nagbabanggit ng kung ano-ano sa tao at sa buong Batang Quiapo. Di nyo kami katulad na sa bawat isyu lagi kayo nakasabit at maingay sa socmed na kala mo mga superhero ng bansa.

“Wala ka naman maibigay na solusyon gusto mo lang pasiklabin ang galit ng ibang tao at gamitin ang konting di pagkakaintdihan para sa interes mo. Kailan po ba yung sinasabi mong dadaan ka? Para maayos namin ang trapik."

Sumagot naman si Rendon, "Ipaglalaban ko ang mga kawawang vendors na nagsusumikap lang. Wala akong pakialam kung sino 'yan, ang MALI AY MALI. Kung hindi ninyo maintidihan problema na ninyo yan. Kumuha kayo ng sarili ninyong STUDIO para hindi kayo makaabala. PUBLIC property ang ginagamit ninyo sa PERSONAL INTEREST ninyo."

Screengrab mula sa FB/via Philippine Trending News

Humirit naman dito si Bassilyo, "Pre tumigil ka na nakikiusap kami sa'yo para hindi na lumala pa itong ingay na ginagawa mo isang isa na lang… Isang labas mo pa ng video na may panghe-hate sa batang quiapo… kaya pls.. tumigil ka na kapag talagang hindi ka tumigil… ako ang titigil."

Screengrab mula sa FB/via Philippine Trending News

Reaksiyon naman ni Rendon, "Alam ninyo kahit magsama-sama pa kayong lahat wala akong pakialam sa inyo. Pinaglalaban mo ang mga kawawang vendors ng Quiapo. Coco Martin, huwag kang magtago sa likod ng mga laos na rappers. Gusto ko lang maging patas ka sa mga maliit nating negosyante."

Screengrab mula sa FB page ng Philippine Trending News

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Coco o maging ang pamunuan ng ABS-CBN tungkol dito.