Kinaaliwan ng mga netizen ang paandar ni Kapuso star Heart Evangelista matapos siyang mamataang may bitbit na paso ng mga halaman, habang naglalakad sa kalsada ng Paris, France.

"Moving in / errands / fashion week," caption ni Heart sa kaniyang Instagram post.

View this post on Instagram

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Mukhang abala si Mrs. Escudero sa kaniyang errands para sa kaniyang tinutuluyan sa naturang bansa.

Nagkomento naman dito ang sikat na fashion designer na si Rajo Laurel at showbiz personality/TV host na si Tim Yap.

Sey ng mga netizen, bakit daw 'pag si Heart ang may bitbit, sosyal at class pa ring tingnan?

"Pag si Heart nagbitbit ng ganyan 'sosyal' pag ako mukhang 'magnanakaw' hahaha unfair this life talaga char."

"Nanay ko kapag manghihingi malunggay sa kapitbahay hahaha."

"Yung nagpaalam ka hihingi ng dahon lang tapos binibitbit mo buong halaman😂 char! Cute n'yo po."

"Nanghingi lang sa kapitbahay pero binunot lahat hahahaha."