Nawindang si "Queen Sawsawera" RR Enriquez maging ang pamilya't mga kaibigan niya sa alok ng isang lalaking netizen na may asawa't mga anak, na ipinadala sa kaniyang fan-based Facebook page.

Ayon sa Instagram post ni RR, inaalok siya ng lalaki na ibenta sa kaniya ang kaniyang panty sa halagang ₱50,000, isa hanggang dalawang pares.

"I will pay first for your assurance," saad pa ng lalaki.

Ibinahagi ni RR ang screenshots ng sinabi ng lalaki subalit minabuting hindi na ibunyag ang pangalan at profile nito, alang-alang sa asawa't mga anak.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"As a Sawsawera Queen this is the most weirdest message I’ve ever received na Sasawsawan ko 🥵," ani RR.

"I feel sorry for the wife kaya hindi ko na lang ipupost ang name and picture."

"I have a Facebook fan page and my Sisters are the one handling it."

"So today they told me and send in our Family group chat that someone sent a message nga daw sa fan page ko and wants to buy my undies for 50thousand pesos for 1-2pairs🥵🤸‍♀️ He also sent proof na may mga nagbibenta na din sa kanya ng undies na mga models etc."

"Grabe he has a wife and profile picture nya pa yung asawa nya. I felt so bad para sa asawa nya… Imagine the betrayal or unfaithfulness 😏🥺🥵🤢."

"My undies aren’t for sale… #SORRYNOTSORRY!!!! For those who are married please bantayan nyo mga social media ng mga asawa nyo. Grabe na din talaga ang betrayal sa marriage life🥵🥺🤢🥵," saad ni RR, na payo naman niya sa mga misis.

Sabi naman ng mga netizen, baka may kakaibang "fetish" daw ang lalaki.

"Fetish niya yan. Daming ganyan dito sa japan nasa news naglalakad lang babae aatakihin na ng manyak hinuhubaran ng panty Tapos sabay Takbo.🤮 Tapos yung iba sinusungkit sa sampayan naman."

"Ay! Matindi ang urge noon sa katawan. Nakakaawa naman si wifey. Ang mas masaklap pa doon siguro inereregalo niya sa wifey niya tapos while having s*x nag-iimagine naman si hubby sa totoong owner ng undies. Soooo….annoying! Sooooo…..disgusting!"