Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na palawigin pa ang mga benepisyong ibinibigay nito sa mga pasyente.

Sa isang pulong, inilatag ng PhilHealth ang mga short-term nitong plano, kabilang ang pagbibigay ng higit na tulong sa mga nagpapa-dialysis, bagong mga benefit package, pati na rin ang paggawa ng mobile app at text message service.

Kasama sa medium-term, na ipatutupad sa 2024, ang pagbigay ng amnestiya para sa mga hindi nabayarang serbisyo, pag-amyenda sa Universal Healthcare Law, at pagpataw ng multa sa mga nagkamaling mga doktor at ospital.

Plano rin ng Philhealth na gawing mas makabago ang paglilingkod nito at magtayo ng sarili nitong gusali at pasilidad.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'