Natatandaan mo ba ang Filipina teenager na si "Zoe Gabriel" na tumanggap ng katakot-takot na kritisismo dahil sa pagbili ng isang brand ng bag, na para sa kaniya ay isang "luxury" subalit sey ng karamihan ay hindi naman?
Ayon sa latest Instagram post ng "Charles & Keith," si Zoe ay isa na sa kanilang brand ambassador, kasabay ng pagdiriwang ng International Women's Day.
"Zoe Gabriel, Content Creator and CHARLES & KEITH's Brand Community Ambassador, with the purple Alia bag," ayon sa caption ng Charles & Keith.
"The launch of this special iteration of the Alia bag is in support of UN Women's ‘Storytelling for Gender Equality’ programme."
Makikita rin ito sa mismong IG post ni Zoe.
“Women are like flowers: our time and needs to grow may not always align, but that is okay," aniya.
"We are like fields of poppy and lakes of lotus - diverse and bold in our differences, beautiful in our own ways."
"This international women’s day, let us celebrate with compassion. let us celebrate with equality through equity, the way flowers do.”
Matatandaang bukod sa pinuntahan mismo siya ng may-ari ng kompanya, nakatanggap din siya ng personalized bag mula sa pamunuan.