Napapatanong ang mga netizen kung bukod sa magkasama sila sa pelikulang "Martyr or Murderer," may namumuo bang espesyal na pagtitinginan sa pagitan nina Cristine Reyes at Marco Gumabao?

Iyan din ang tanong ni Ogie Diaz sa dalawa, matapos itong matalakay sa Ogie Diaz Showbiz Update.

Namataan ang dalawang magkasama sa isang beach sa Siargao. Baka naman daw gimik lang ito para pag-usapan pa ang MoM?

Personal daw na natanong ni Ogie si Marco kung nanliligaw na ba siya kay Cristine o baka naman sila na?

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Itanong mo sa kaniya," simpleng pa-showbiz na sagot ni Marco na ang tinutukoy ay si Cristine.

Reaksiyon naman ng co-host na si Mama Loi, kung totoo man ang tsika, walang masama dahil parehong single ang dalawa.

“Basta maniwala na lang tayo kung ano sinabi nila. At the end of the day, eh, sila naman 'yon. Kung nagsasabi sila ng totoo, eh di bongga sila, palakpakan nila ang kanilang sarili. Kung hindi naman ay intindihin na lang natin. Baka naman meron silang pinoprotektahan,” ani Ogie.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Cristine o Marco tungkol dito.