Walang nakahula sa winning combination para sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, Marso 8.

Ang winning combination para sa Grand Lotto ay 48-36-42-55-11-22 para sa jackpot prize na nagkakahalaga ng P29,700,000.

Gayunpaman, 11 mananaya ang nakakuha ng pangalawang premyo na nagkakahalaga ng P100,000, at 451 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P1,500.

Ang Grand Lotto binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado, alas-9 ng gabi.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, ang lucky digits para sa Mega Lotto ay 23-15-25-40-34-24 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P8,910,000.

Walong mananaya naman ang nanalo sa ikalawang gantimpala na nagkakahalaga ng P32,000 at 731 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong gantimpala na nagkakahalaga ng P1,000.

Ang Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 9 p.m.

Luisa Kabato