Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, ibinahagi ng 'Comedy Princess' na si Rufa Mae Quinto na nami-miss niya ang kaniyang showbiz career dito sa Pilipinas.

Nitong nakaraang taon, nagbalik sa Pilipinas ang aktres at pumirma ito ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.

Sey ng aktres, bumalik siya ng bansa nang walang konkretong plano.

Aniya, “Basta naramdaman ko lang bumalik. Hindi pa ako sure kung ano’ng meron ako.”

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Tapos nakausap ko nga ang Sparkle, okay naman. Ayon, tuloy-tuloy na dito yung offer, ganiyan. Magmula noon, na-realize ko, heto talaga ako eh. Ayaw kong hindi mag-artista, kasi hindi ko kaya.” dagdag pa ng Comedy Princess.

Ikinuwento rin niya na isa ang buhay showbiz sa pinakana-miss niya dito sa Pilipinas.

Dagdag pa niya, kaya niyang balansehin ang kaniyang oras para sa pamilya at oras sa kaniyang career.

“Mahilig ako makipagchikahan, gusto ko ‘yung nag-ga-glam din kahit kalahati lang ng taon. ‘Yung i-manage ko na 50-50. May family life, private pero meron ding showbiz," sey ng aktres.

Dagdag pa ni Rufa, “I feel na may obligasyon din ako sa showbiz. Kasi awa ng diyos, nami-miss din nila ako. Saka parang feeling ko, kailangan din ng ganito ‘yung parang tanga. Charot. ‘Yung parang gaguhan lang lagi?”

Ibinahagi rin ni Rufa na isa sa mga dahilan kung bakit siya bumalik sa bansa ay dahil sa mga taong walang sawang sumusuporta at naniniwala sa kaniya.

“Dito ako masaya, maraming nakakaintindi sa akin dito. Kahit anong sabihin ko, kahit anong joke, naiintindihan. Eh siyempre doon, ang hirap-hirap na nga mag-english, wala pang nakaintindi.”

Isa rin sa napagkuwentuhan nila ni Tito Boy ay ang pagbenta nito ng kaniyang mga second hand shoes at isa sa kaniyang mga naging customer ay si Heart Evangelista.

“Ano ba ang binili ni Heart Evangelista sa’yo?” tanong ni Tito Boy.

“Una mga shoes muna at saka relos,” sagot ni Rufa

Dagdag pa ng aktres, natutuwa siya sa kabaitan na ipinakita umano ni Heart Evangelista sa kaniya.

“Nakakatuwa nga e, kasi hindi ko naman siya binebentahan, siya na lang mismo ang nagbenta, tapos tinawag niya ‘yung mga kapatid niya and all. Ang bait nga eh. Tinext ko siya uli, benta uli," pabirong sabi ng aktres.

Nabalitaan din ng aktres ang tsismis na hiwalay na umano si Heart at si Chiz Escudero, pero nagpapasalamat ito dahil hindi totoo ang tsismis ng netizens.