Nasolo ng isang mapalad na mananaya mula sa Agusan del Sur ang ₱12.1 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay PCSO Vice Chairman at General Manager Melquiades Robles, nabili ng mapalad na mananaya ang kanyang winning ticket sa bayan ng Bayugan.

Ani Robles, matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 26-43-11-18-05-45 ng MegaLotto 6/45 kaya't maiuuwi niya ang katumbas nitong jackpot prize na ₱12,171,239.80.

Mayroon din namang 18 mananaya na nakapag-uwi ng tig-₱32,000 na second prize para sa nahulaang tiglimang tamang numero.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Upang makubra ang kanyang premyo, pinayuhan ni Robles ang lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng Mandaluyong City.

Kailangan rin aniya nitong magprisinta ng dalawang balidong ID at ang kanyang winning ticket.

Ang MegaLotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.