Isang salitang "sorry" na may crying emoji ang ipinost ni Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up at Kapuso actress Herlene "Hipon Girl" Budol sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Marso 7.

"Sorry šŸ˜­" lamang ang inilagay ni Herlene at walang naka-tag o wala siyang binanggit na nais niyang patungkulan nito.

Ngunit sa comment section ay may kaunti at makahulugang paliwanag siya.

"This is patunay: Lahat ng bagay na ginawa mong tama mabubura ng isang pagkakamali šŸ˜­šŸ˜£."

FPRRD, nagpasalamat sa mga bumati sa kaniyang 80th birthday

"Itama ang Mali ang Mali ay itama."

Bagama't walang binaggit, nagpaabot naman ng "virtual hugs" at comforting words ang kaniyang mga tagahanga, kung anuman ang hugot o pinagdaraanan ni Budol.