Oktubre 2020 nang i-post ng psychic na si Rudy Baldwin ang kaniyang pangitain tungkol sa mamamatay na politiko mula sa Negros at Marso 4, 2023 naman ng inambush ang gobernador ng Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Matapos umingay sa social media ang pagpaslang kay Degamo, muling binalikan ng netizens ang nasabing post at lubhang nagulat matapos magkatotoo umano ang hula ni Rudy.

"Isang biglaang pagkasawi ng isang politiko ngunit kilalang politiko ito ng Negros ang hindi inaasahan na magpapaalam na," bahagi ng pangitain ni Rudy.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

"Lahat ng ito ay mangyayari pa lamang, maging maingat ang lahat at huwag makalimot na magdasal palagi sa Panginoon dahil siya lamang ang puwede nating kapitan lahat. Laging manalangin lamang," babala pa nito.

Nangyari naman ang umano'y pang-aambush sa 56-anyos na gobernador dakong 9:36 kaninang umaga sa tahanan nito sa Barangay San Isidro, Sto. Nuebe sa Pamplona.

BASAHIN: Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!

Narito naman ang naging komento ng ilang netizens sa nasabing post:

"I'm getting goosebumps, a statement was released that our Governor here in Negros Oriental is dead from the assassination that happened at his residence."

"I've got goosebumps about this prediction. Stay safe and Pray Always. Godspeed"

"halaa, it's happening right now! can't explain, very impossible HUHUHU! bat nagkatotoo?"

"Exactly it happened here in our province, negros oriental. Our governor was ambushed earlier this morning."