Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na ang mga modernong jeepneys na gawa ng mga local manufacturers ang ipu-promote ng pamahalaan.

Sa ilalim ito ng kanilang isinusulong na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ayon kay Bautista, makatutulong ito upang makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga mamamayan.

“Mas pino-promote narin ang local dahil maraming matutulungan nyan, maraming job opportunities na maibibigay sa ating mga kababayan,” ani Bautista sa panayam sa teleradyo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi pa ni Bautista na sa ngayon ay may mga modernong jeepneys na ang nag-o-operate sa Metro Manila.

Kabilang aniya dito yaong ginagamit ng mga hotel sa pagbibiyahe ng mga turista. Matatandaang ilang public utility vehicle (PUV) jeepney operators ang nakatigil-pasada sa loob ng isang linggo upang iprotesta ang  PUV modernization program ng pamahalaan.