Isang dating production manager o producer sa ABS-CBN ang nagbigay ng kaniyang reaksiyon at saloobin patungkol sa pinag-usapang panayam ng dating Kapamilya star at ngayon ay Kapusong si Bea Alonzo sa dating kasamahang si Liza Soberano, sa pamamagitan ng "lie detector test" sa vlog nito.

Ayon kay Ethel M. Espiritu na naging producer ng mga tumatak at pumatok na serye sa Kapamilya Network, dapat daw ay nag-iisip munang mabuti si Liza bago niya "ibuka ang kaniyang bibig."

"I think she should review and reassess before she opens her mouth, again. Personal career growth media release gone wrong. Andun yung magandang intention niya where we all agree-right comm plan lang and use of right words. Let’s not be careless lest we be misunderstood," aniya sa kaniyang tweet nitong Lunes, Marso 6.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

https://twitter.com/EthelMEspiritu/status/1632576973175406593

Sa palagay rin ni Ethel, hindi rin siya dapat nagpa-interview kay Bea Alonzo, na isa rin sa mga pinaratangang "ungrateful" sa ABS, nang mag-ober da bakod ito sa GMA Network noong Hulyo 2021.

"Tsaka ako ito ha."

"If she really wanted to clear things out- it should not be Bea Alonzo to interview her. It’s not good for both of them-for obvious reason/s we all know," dagdag pa niyang tweet.

Mga bandang hapon ay pumalag naman si Ethel sa mga netizen na nagalit sa kaniyang mga nasabi.

"Ma’am, matagal na po ako wala sa Mother Ignacia. Since non-franchise renewal. You are as free to disagree with me. No offense will be taken."

"Regardless of timelines, bottomline na ata nito ay good comm plan strategy. Damage control. Pananaw ko lang po ito. Please don’t get mad, we all want what’s best for her and all of them. Maliit lang industriya na iniikutan namin. We will see each other somehow, somewhere, someday."

"Okay, magsasampay na po ako sa mga nilabhan ko. Lunes pa lang, matagal pa itatakbo ng linggong ito para sa akin. Back to more pressing matters in life," pagtatapos ni Ethel na ang iginiit ay #NoToJeepneyPhaseOut.

https://twitter.com/EthelMEspiritu/status/1632628857097580546

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Liza o ang kaniyang talent manager na si James Reid tungkol sa isyung ito.