Nag-react ang dating talent manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz sa tweet ng TV director na si Jojo Saguin hinggil sa seryeng "La Vida Lena" noon, na pinagbidahan ni Erich Gonzales at umere sa Primetime Bida ng ABS-CBN, kasing-timeslot ng "Dirty Linen" ngayon.

Ispluk ni Jojo, ang "La Vida Lena" ay unang inialok kay Ivana Alawi, subalit napunta ito kay Erich. Umoo naman si Erich at nagmarka naman ang pagganap nito, kahit na sabihing second choice lamang siya.

"Yung 'La Vida Lena' originally was for Ivana Alawi.. Naiba nang naiba ang story tapos hindi ready si Ivana to do lock in tapings. Kasagsagan kasi ng pandemic nun. Tapos we presented the story to Erich and she said yes. Ayun nag-swak naman ang lahat. Pak!!!!" ayon sa tweet ni Jojo na isa sa mga direktor nito, kasama pa sina Jerry L. Sineneng at Andoy Ranay.

Mainit kasing usap-usapan ang naging rebelasyon ni Liza na sa kanila ni Enrique Gil unang inalok ang pelikulang "Hello, Love, Goodbye" na maituturing na "highest-grossing film" sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino, pre-pandemic era.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon daw, nagulat na lamang si Liza nang mabalitaan niyang inalok ito kina Kathryn Bernardo at sa kaniyang reel at real-life boyfriend na si Enrique Gil.

Pagkatapos, napunta na nga ito kina Kathryn at Alden Richards ng GMA Network.

Niretweet ni Ogie ang post ni Jojo at saka kinomentuhan.

"Ako talaga, naniniwala na kung hindi ukol, hindi bubukol, direk. Pag pinilit, pwedeng ibigay, pero me consequence yon. #generallyspeaking," ani Ogie.

https://twitter.com/ogiediaz/status/1632768232003358720

Bagama't inilagay na nga ni Ogie na "general speaking" ito, naniniwala ang mga netizen na somehow ay "parinig" din ito ng showbiz insider/talent manager sa kaniyang dating alaga.