Sa kabila ng mga nangyayari sa singer na si "Maegan Aguilar," naisip ng mga netizen na ang awiting "Anak" na pinasikat ng kaniyang amang si OPM legend Ka Freddie Aguilar, ay bagay na bagay sa sitwasyon at nangyayari sa kanila.

Matagal nang may hidwaan sina Ka Freddie at Maegan, at kamakailan lamang, sinubukan ng huli na makipag-ayos sa kaniyang ama at humingi ng tulong.

Tumanggi ang una dahil nais niya munang kusang magbago ang anak, na lulong daw sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at iba pang bisyo.

Maging si Sen. Raffy Tulfo ay umatras na rin sa pagtulong kay Maegan, at sinabing ibabalik lamang ang lahat kapag kusang nagpa-rehab ang singer at nagbagong-buhay.

Sen. Raffy Tulfo, inatras-tulong kay Maegan Aguilar matapos magpositibo sa droga

Dahil dito, sa pamamagitan ng Facebook Live ay nagbanta ang emosyunal na si Maegan na tatalon na lamang mula sa isang gusali upang mawakasan na lamang ang lahat.

Sa ngayo'y burado nang Facebook post, sinabi pa ni Maegan na walang sinuman sa kaniyang mga magulang at kamag-anak ang puwedeng lumapit o humawak man lamang sa kaniyang bangkay, kung sakaling mawawala na siya sa mundong ibabaw.

Dahil dito, sinariwa ng mga netizen ang iconic song na "Anak" dahil bagay na bagay raw ito sa kanilang dalawa.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens, mula sa Facebook page na "Definitely Filipino."

“Ka Freddie ung kanta mong Yan, kung hindi pa ipinapanganak ung isang anak mo or bka maliit p cia nung kasagsagan Ng ANAK, ay parang premonition para sa kanyang paglaki, habang pinakikinggan ko Ang bawat lyrics tugmang tugma sa kanya, un lang huli Ang mjo Hindi p dahil iba Ang sinisisi Nia sa kalagayan Nia ngaun at puno Ng Galit Ang puso Nia… Sana magmunimuni cia at manalangin Ng taimtim para magliwanag Ang isip Nia at bigyan cia Ng Dios Ng malambot at mapagpatawad n puso para magbago Ang pananaw Nia sa Buhay… Sana may mkapagpayo sa kanya n Hindi pa huli ang lahat, magbalik loob cia sa Dios para umayos na ang Buhay niya.”

"Hope Megan can reflect on this song from what she’s been through right now…”

“Kaka, keep on inspiring others with your songs. Hallelujah. More power. God bless you Mabuhay Ka Freddie! Walang kupas! Walang kamatayan ang awiting obra na itinanghal sa buong mundo. Sana tumimo ito sa isip at puso ni Maegan. I hope that everything will be okay soon."