Nag-iisang masuwerteng mananaya ang nanalo ng jackpot prize para sa Ultra Lotto 6/58 na nagkakahalaga ng P109,630,146 nitong 9 p.m. draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Martes, Marso 7.

Ang mga masuwerteng numero ay 56-41-11-48-54-58.

Samantala, tatlong manlalaro ang nakakuha ng ikalawang premyo na nagkakahalaga ng P120,000, at 280 na taya ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P2,000.

Noong Lunes, Marso 6, matatandaang isang mananaya rin mula sa Bayugan, Agusan del Sur ang kumobra rin bagong Mega Lotto 6/45 milyones.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Ang hindi pinangalanang manlalaro ay nag-uwi ng P12.1 milyon.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo sa ganap na 9 p.m.

Sinabi rin ng PCSO sa isang advisory na naghihintay pa rin sa masugid na mananaya ang jackpot para sa Super Lotto 6/49.

Ang winning digit ay 13-42-23-44-06-11 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P15,840,000.

Siyam na taya ang nanalo sa ikalawang premyo na nagkakahalaga ng P50,000 at 684 na manlalaro ang tumama sa ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P1,200.

Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Linggo sa ganap na 9 p.m.

Wala ring nanalo para sa Lotto 6/42, ayon sa PCSO.

Ang mga tamang numero ay 34-42-03-07-16-05 para sa grand prize na nagkakahalaga ng P11,828,465.80.

Tatlumpu't walong bettors ang nakakuha naman ng pangalawang premyo na nagkakahalaga ng P24,000 at 1,894 na manlalaro ang tumama sa ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P800.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado sa ganap na 9 p.m.

Luisa Kabato