Inanunsyo ni Finance Secretary Benjamin Diokno nitong Martes, Marso 7, na magkakaloob ang pamahalaan ng ₱500 monthly ayuda sa 9.3 milyong pamilya sa loob ng dalawang buwan upang matulungan umano sila sa gitna ng nararanasang inflation sa bansa.

Ayon kay Diokno, manggagaling ang listahan ng mga benepisyaryo ng cash aid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa kabuuan ay ₱1,000 umano ang maipamimigay ng gobyerno sa 9.3-milyong "poorest of the poor" pamilya na hahatiin sa dalawang buwan.

Ayon kay Diokno, ipamamahagi umano ang ayuda sa mga susunod na araw o linggo.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sinabi ito ni Diokno matapos maiulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa 8.6% ang inflation rate ngayong buwan ng Pebrero sa bansa.

Ang nasabing datos ay mas mababa naman umano kumpara sa buwan ng Enero ngayong taon na may 8.7% inflation rate.