Kinasuhan na nitong Lunes, Marso 6, ang apat na naarestong suspek umano sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at sa walo pang nadamay na sibilyan sa lungsod ng Pamplona noong Marso 4.

BASAHIN: Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!

Sa press briefing nitong Lunes, ibinahagi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na kinasuhan na ang tatlong nauna nang naaresto na kinilalang sina Joven Aber, 42; Benjie Rodriguez, 45 and Joric Labrador, 50, ng multiple murder sa Provincial Prosecutor’s Office ng Dumaguete, Negros Oriental.

BASAHIN: Tatlong suspek sa pag-ambush kay Gov. Degamo, arestado!

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Samantala, ibinahagi naman ni Police Col. Redrico Maranan, chief information officer ng Philippine National Police (PNP), na nakasuhan na rin ang pang-apat na naarestong suspek na nakasailalim na ngayon ng kustodiya ng lokal na pulisya.

Nakakuha rin umano ang mga pulis at militar ng high-caliber firearms at ammunition mula sa mga suspek na pinaghihinalaang ginamit nila sa pag-ambush sa gobernador.

"Nananawagan tayo sa iba pang mga kasangkot sa karahasan sa Negros Oriental. Nahuli na ang mga kasama ninyo, SUMUKO NA KAYO," pahayag ni Abalos.

Siniguro rin ng DILG secretary na hindi titigil ang ahensya at pamahalaan para mapanagot ang iba pang sangkot sa nasabing krimen.