Matapos ang rebelasyon ni Liza Soberano na sa tambalan nila ni Enrique Gil o "LizQuen" unang inoffer ang highest-grossing film of all time na "Hello, Love, Goodbye," muling binalikan ng mga netizen ang naging pahayag ni Direk Olivia Lamasan patungkol dito, sa naging panayam ni Toni Gonzaga noon sa talk show-vlog na "Toni Talks."

Nang mga sandaling iyon ay hindi pa raw sila handa ni Enrique Gil kaya nakiusap silang itabi muna ito at ireserba para sa kanila. Abala sila sa paggawa ng seryeng "Bagani" at si Liza naman, sa preparasyon para sa "Darna" na kalaunan nga ay napunta kay Jane De Leon, matapos niyang magkaroon ng injury sa daliri.

Karakter ni Kathryn Bernardo sa HLG, trending dahil sa rebelasyon ni Liza Soberano

Pagkatapos daw ay nabalitaan niyang inoffer ito kina Kathryn at Enrique. Dito ay inamin ni Liza na nawindang siya sa ideyang mapupunta sa ibang kapareha si Enrique na tinawag niyang "comfort zone" at baka makaapekto ito sa kanilang tambalan.

Ang final na nga, si Alden ang nakatambal ni Kathryn. Sey naman ng mga netizen, mabuti na lamang daw at sa kanila napunta ang role dahil hindi raw bagay ito sa LizQuen.

Anyway, kinumpirma naman ni Direk Olive na abala nga sa ibang proyekto ang LizQuen noon kaya ibinigay ito sa iba.