Tiniyak ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na milyun-milyon na naman ang jackpot prizes ng kanilang mga lotto games na naghihintay na mapanalunan ng kanilang mga suking mananaya.

Sa jackpot estimates na inilabas ng PCSO, nabatid na ang aabot na sa₱29.7 milyon ang jackpot prize ng GrandLotto 6/55 na bobolahin ngayong Lunes ng gabi.

Nasa P8.9 milyon naman ang maaaring mapanalunan sa MegaLotto 6/45, na bobolahin ring ngayong gabi.

Samantala, aabot naman sa₱11 milyon ang papremyo ng Lotto 6/42 na nakatakda namang bolahin ng PCSO sa Martes ng gabi.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Kaugnay nito, muli namang inanyayahan ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya sa kanilang mga palaro.

Una nang sinabi ni PCSO General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa lotto dahil sa halagang P20 lamang ay may tiyansa nang maging susunod na milyonaryo, at makakatulong ka pa sa kawanggawa.

Ang GrandLotto 6/55 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang MegaLotto 6/45 ay may draw tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.Tuwing Martes, Huwebes at Linggo naman ang bola ng Lotto 6/42.