Usap-usapan ngayon ang naging panayam ni dating Kapamilya actress Liza Soberano sa "lie detector test vlog" ni Kapuso star Bea Alonzo na mapapanood sa YouTube channel ng huli.

"Straightforward" at sobrang honest na sinagot ni Liza ang maiinit na tanong sa kaniya ni Bea magmula sa mga personal na bagay, lalo na ang pinag-usapang pagtahak niya sa panibagong yugto ng kaniyang karera.

Tahasang inamin ni Liza na pakiramdam niya ay nakahon siya sa loveteam at marami siyang hindi nagawa sa kaniyang career. Sa Pilipinas lamang daw kasi grabe ang hype ng mga tao sa mga tambalan.

Inamin din ni Liza na na-pressure siya sa salpukan noon ng tatlong tambalang hinulma ng ABS-CBN, ang JaDine at KathNiel, hindi dahil sa fans, kundi dahil sa kung sino-sino sa kanila ang "profitable" o mas makakahatak ng kita sa takilya.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Isa pa sa rebelasyon ni Liza, inamin niyang sa kanila unang inoffer ang pelikulang "Hello, Love, Goodbye" na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Nang mga sandaling iyon ay hindi pa raw sila handa ni Enrique Gil kaya nakiusap silang itabi muna ito at ireserba para sa kanila.

Pagkatapos daw ay nabalitaan niyang inoffer ito kina Kathryn at Enrique.

Ang final na nga, si Alden ang nakatambal ni Kathryn, at hindi naman dapat magsisi ang Star Cinema dahil ito ang itinuturing na "highest-grossing film of all time."

Nilinaw rin ni Liza na hindi na nila tinapos ang seryeng "Make It With You" dahil nang mga sandaling iyon, halos puro senior citizen at mga bata ang kasama sa cast, at mahigpit pa noon sa lock-in taping.

Sinabi rin ng aktres na honestly rin ay hindi niya alam kung siya ba ang "better Darna" dahil hindi nga siya tuluyang nakalipad dahil sa kaniyang injury sa daliri. Inamin din niyang nakausap niya ang pumalit sa kaniyang si "Jane De Leon" kaugnay nito.

Sa comment section, sinabi ng mga netizen na kakaibang Liza raw ang napanood nila sa naturang panayam.

Mapapanood ang kabuuan ng panayam ni Bea kay Liza sa YouTube channel ng una.