Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na mula Pebrero 27 hanggang Marso 5 ay nakapagtala sila ng 913 na bagong kaso ngCovid-19sa bansa.

Base sa NationalCovid-19Case Bulletin na inilabas ng DOH, nabatid na ang average na bilang ng bagong kaso ng sakit kada araw ngayong linggo ay nasa 130.

Ito ay mas mataas anila ng 10% kung ikukumpara sa mga kaso noong Pebrero 20 hanggang 26.

Anang DOH, sa mga bagong kaso, walang naitalang may malubha at kritikal na karamdaman.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Samantala, mayroon namang naitalang 56 na pumanaw kung saan anim dito ay naganap noong Pebrero 20 hanggang Marso 5.

Noon namang Marso 5, 2023, mayroong 395 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil saCovid-19.

Sa 1,978 ICU beds para sa mga pasyenteng mayCovid-19, nasa 263 o 13.3% ang okupado habang 2,840 o 16.8% ng 16,871 non-ICUCovid-19beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Iniulat rin naman ng DOH na mahigit na sa 73 milyong indibidwal o 94.61% ng target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 21 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Sa kabilang banda, 6.9 milyong senior citizens o 79.49% ng target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Kaugnay nito, patuloy namang pinaalalahanan ng DOH ang lahat na huwag maging kampante sa banta ngCovid-19.

“Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ngCovid-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster,” anito pa.