Sinagot ng Kapuso actor na si Xian Lim ang mga intrigang palihim daw silang nagkikita ng Kapuso actress na si Ashley Ortega, na leading lady niya sa upcoming teleseryeng "Hearts On Ice" sa GMA Network.

Malamang daw, baka ang tinutukoy ng isang netizen na nang-iintriga sa kanila, ay ang kanilang taping.

Alam naman ng lahat na bago pa mag-ober da bakod sa Kapuso si Xian, may Kim Chiu na ito sa buhay niya.

Iginiit ni Xian na magkaibigan lamang sila ni Ashley.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

"We were skating on a public time in a public skating rink. So yun siguro mga emote-emote namin, nakikita ng public, eh siyempre magtataka sila kung bakit kaya mag-emote yung dalawa dito. So I think that's where it came from,” ani Xian.

Para naman kay Ashley, inaasahan na talaga ito lalo't unang beses silang magtatambal ni Xian sa isang serye.

"Kami ni Xian, we’re just friends. Siyempre, nakakatanggap din ako ng mga ganyang ano, almost every single day, pero dedma na lang ako. Si Xian din naman, he’s aware of it,” pahayag naman ni Ashley, sa isinagawang media conference para sa kanilang serye.