Masama ang loob ng anak ng OPM singer na si Ka Freddie Aguilar kay Senador Raffy Tulfo na si Maegan Aguilar matapos nitong i-atras ang pagtulong sa kaniya, matapos umanong magpositibo sa paggamit ang droga ang singer.

Pinayuhan ng senador at host ng "Raffy Tulfo in Action (RTIA)" si Maegan na magpa-rehab muna, at kapag maayos na ulit siya, saka niya ito tutulungan.

Naloka naman ang mga netizen nang magsagawa ng Facebook Live si Maegan habang emosyunal na naglalakad sa isang kalye, na tila nagbabantang tatalon mula sa isang mataas na gusali dahil sa labis na pagkadismaya.

Bukod dito, nag-post din si Maegan ng hinanakit laban sa senador.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"'SAY NO TO DRUGS' 'MABABAW ANG DAHILAN' ni hindi man lang inalam ang 'root cause' 'ika nga nung Dr. Villaroma. Ni hindi inalam na ang other options that time was ma-gang rape ako at ilibing ng buhay ang asawa ko, kung hindi kami makiki-hits sa kanila. Ilang beses ko din bang sasabihin na madalas strangers ang tumutulong sa amin at hindi palaging ok na sitwasyon ang dinadatnan namin," aniya sa kaniyang Facebook post.

"Inamin ko na nga ang nangyari, ako pa ang lumabas na sinungaling at mababaw sa huli. Sa akin lang talaga ito nangyayari, nagsasabi na nga ako kung paano ako napahamak o mapapahamak, kung paano ako muntik magahasa AKO PA MASAMA."

Sa isa pang Facebook post, tila nahimasmasan na raw si Maegan matapos ilabas ang sama ng loob sa FB Live.

"Salamat Lord! Nailabas ko na lahat ng sama ng loob ko at ramdam kong naging mas matatag pa ako ngayon… ang bilis namang dumating ng milagro ninyo sa buhay ko, AMEEN. Salamat at nakakahinga na ako ulit ng maluwag."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Sen. Tulfo tungkol dito.