Bunsod ng patuloy na pagdami ng mga Pilipinong namamatay dahil sa cancer, isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na layong magtatag ng isang National Cancer Center of the Philippines (NCCP).

Bukod sa sakit sa puso, itinuturing ang kanser na isa sa nangungunang dahilan ng kamatayan ng maraming tao.

"Ang cancer ay isa sa nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga tao sa bansa. Tungkulin ng gobyerno na kumilos at gumawa ng mga paraan para ito matugunan na abot sa kakayahan ng mga pasyente," pahayag ni I-Pacman Party-list Rep. Mikee Romero, may-akda ng House Bill 340.

Sinabi ni Romero, tagapangulo ng House committee on poverty alleviation, na ang pagtatayo ng NCCP ay makabubuti para matugunan ang problema ng mga pasyente na may kanser, laluna ng mahihirap, para magkaroon ng tamang diagnosis upang sila'y malapatan ng lunas.

National

Rep. Paolo Duterte, ‘negatibo’ sa hair follicle drug test

Sa paghahain ng HB 340, sinabi ng kongresista na bagamat may mga probisyon sa National Integrated Cancer Control Act o Republic Act 11215 na magtatag ng mga cancer centers sa mga  regional health care level, kailangang  pa ring magtatag ng isang specialty hospital sa pambansang lebel upang lalong mapaigting ang paglaban sa kanser.

“This proposed measure seeks to create the NCCP, a hospital that specializes in cancer which will truly envision the purpose of the recently enacted law from accurate diagnosis, to timely and optimal treatment and responsive palliative care and pain management up to late effects management and rehabilitation of cancer patients,” ani Romero.