Nanumpa na sa tungkulin si Negros Oriental Vice Governor Carlo Jorge Joan Reyes bilang bagong gobernador ng probinsya nitong Sabado ng gabi, Marso 4, matapos ang pagpaslang kay Gov. Roel Degamo sa lungsod ng Pamplona.

Sa Facebook post ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, ibinahagi niya na numpa sa pwesto si Reyes ilang oras matapos pagbabarilin si Degamo at mga kausap niyang mga benepisyaryo ng 4Ps sa harap bahay nito.

BASAHIN: Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!

Bukod kay Degamo, walong sibilyan pa na kausap nang oras na iyon ng gobernador ang nasawi.

National

‘Life-threatening conditions’ nagpapatuloy sa ilang bahagi ng Luzon dahil kay Marce – PAGASA

"Madiing kinokendena ng administrasyon ang karumaldumal na pagpaslang kay Former Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa iba pang mga biktima ng karahasang naganap kanina," pahayag din ni Abalos sa naturang post.

"Sa pinagsanib na pwersa ng kapulisyahan at militar, asahan niyong hindi tayo titigil hanggang sa makamit ang hustisya sa mga biktima ng karahasang ito," dagdag niya.

Naaresto na ng mga awtoridad nitong Sabado ng hapon ang tatlong suspek umano sa nasabing pagpaslang.

BASAHIN: Tatlong suspek sa pag-ambush kay Gov. Degamo, arestado!

Samantala, nitong Sabado ng gabi, isa pa umanong sangkot din sa pag-ambush sa gobernador ang napatay sa engkwentro ng .

BASAHIN: Isang suspek sa Degamo-assassination case, patay sa engkwentro

Patuloy pa rin ang imbestigasyon at paghahanap ng mga awtoridad sa iba pang sangkot sa krimen.