Mismong ang singer na si Maegan Aguilar ang nagbawal sa kaniyang mga magulang, kapatid, at buong angkan niya na lumapit o hawakan man lamang ang kaniyang mga labi kapag siya ay yumao na, ayon sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Marso 3.

Matatandaang humihingi ng tulong at nakikipag-ayos na si Maegan sa kaniyang amang si OPM singer Ka Freddie Aguilar subalit tumanggi ang huli. Kailangan daw munang magbago ng anak at ihinto ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nakadagdag pa sa emosyon ni Maegan ang pag-atras ng pangakong tulong sa kaniya ni Sen. Raffy Tulfo matapos niyang magpositibo sa droga.

Sen. Raffy Tulfo, inatras-tulong kay Maegan Aguilar matapos magpositibo sa droga

Kailangan daw muna niyang magpa-rehab at ayusin ang sarili bago siya tulungan.

Shookt naman ang netizens sa tinuran ni Maegan, na umabot na sa puntong bawal nang masilayan o mahawakan man lamang ng kaniyang mga kaanak ang kaniyang bangkay, kung sakaling papanaw na siya.

"I am forbidding & removing all legal/illegal authority from my parents, siblings and the rest of my bloodline to go near & touch my corpse just to manipulate my situation to their fucked up advantage all over again," aniya.

Bukod dito, may ibinunyag din siya sa mismong mga magulang.

"Strangers can pick up my body & use my flesh at IPAKAIN ito to poison Freddie Pascual Aguilar & Josephine Ponce Queipo-my biological mother that was included in the drug raid in Forbes Park Makati noon. My mom & my brothers are thr real SPAWNS IF SATAN involved in SHABU. Look them up."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mga magulang ni Maegan tungkol dito.