Niregaluhan ng mag-partner na social media personalities na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario ang nanay ng huli na si "Dolly Gail Del Rosario" dahil sa pag-aalaga nito sa kanilang anak na si "Baby Meteor."

Mapapanood sa Facebook post ni Antonette Gail ang kanilang sorpresa sa ina. Naging emosyunal naman ito at napayakap pa sa mamanugangin.

"DAHIL PUYAT KAY BABY METEOR MAY IPHONE KA #ANTONETTEGAIL," ani Antonette sa kaniyang caption sa Facebook post.

Bukod sa mamahaling iPhone, matatandaang binigyan din nila ng ₱50k ang future mother-in-law ni Whamos.

'Kahit ipina-Tulfo sila!' Whamos at nanay ni Antonette Gail, nagkaayos na talaga

Matatandaang nagkaayos-ayos na ang tatlo, dahil noon ay tutol na tutol sa relasyon ng dalawa si Dolly Gail, hanggang sa umabot pa sa pagdulog sa "Raffy Tulfo in Action" upang mabawi ang menor de edad na anak mula kay Whamos.

Ngayon ngang may anak na ang dalawa, unti-unti ay tinanggap na rin ni Dolly Gail ang relasyon ng anak kay Whamos. Kaya naman masasabing okay na sila ngayon.

Maiintindihan naman daw ng dalawa kung bakit nagawa iyon ng ina ni Antonette Gail. Ayon kay Whamos, wala siyang sama ng loob kay Dolly Gail.