Laugh trip ang netizens sa naging komento ni Kapuso star Barbie Forteza sa kaniyang boyfriend na si Jak Roberto, matapos nitong i-flex ang abs at magandang katawan.
Sa kaniyang litratong naka-post sa Instagram, makikitang walang suot na pang-itaas kaya kitang-kita ang naghuhumiyaw nitong mga "pandesal" at magandang hubog ng pangangatawan na alagang-alaga sa gym.
Ang tanging suot lamang ni Jak ay isang shorts na kulay-brown.
Bagay na sinita naman ng kaniyang girlfriend.
"Bibilhan kita ng shorts ha. Kota na 'yan e ššš„°," ani Barbie.
Tumugon naman dito ang jowa, "kakalaba lang kaya yan ang nakuha š."
Bago pa sumikat ang tambalang "FiLay" nina Barbie at David Licauco sa katatapos na hit teleseryeng "Maria Clara at Ibarra," kinakiligan muna ang real-life tambalan ng magjowa na kilala bilang "JakBie" o kaya naman ay tinatawag ding "BarJak."
Sigaw ng netizens, sana naman daw ay magkaroon ng spin-off ang FiLay sa isang serye at isama rito si Jak para "magkaalaman" na.