Inaasahang papalo na sa₱100 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 sa susunod na bola nito ngayong Linggo ng gabi, Marso 5.

Sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado, nabatid na tataas pa ang premyo ng UltraLotto 6/58 matapos na walang makapag-uwi sa jackpot prize nitong₱95,083,361.40, sa lotto draw nitong Biyernes ng gabi, na may six-digit winning combination na 10-28-41-13-55-20.

Mayroon naman anilang tatlong mananaya ang nakapag-uwi ng tig-₱120,000 na second prize para sa nahulaang tiglimang tamang numero.

Samantala, batay pa rin sa jackpot estimates ng PCSO, nabatid na ang papremyo naman ng SuperLotto 6/49 ay aabot na sa₱15.8 milyon ngayong Sunday draw habang ang premyo naman ng MegaLotto 6/45 na bobolahin sa Lunes, Marso 6 ng gabi, ay nasa₱8.9 milyon.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang SuperLotto 6/49 naman ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Ang MegaLotto 6/45 naman ay may draw tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.