Matapos ang pasasalamat sa pagtulong sa kaniyang hospital bills ng Gonzaga family, partikular ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, muling pinuri ni Lolit Solis ang huli sa kaniyang Instagram post, na inilarawan niyang "sweet at napakagalang na tao" kapag off-cam at wala ito sa "showbiz persona."

"…ang talagang tumatak sa isip ko iyon discovery tungkol kay Alex Gonzaga. Pag wala pala ang showbiz persona ni Alex Gonzaga isa siyang sweet at napakagalang na tao. At iyon pagiging caring niya na ipinadama kay Shalala ng maysakit ito. Maging ako ay nagulat sa tulong ng Gonzaga family, kay mommy Pinty sa pamamagitan ni Jun Lalin, iyon magalang na pagtawag ni Alex ng i-clear niya ang isang issue na sinulat ko," giit ni Lolit.

"Iyon sweetness ni Toni Gonzaga. Kaya masasabi ko na kung anuman iyon ginagawa ni Alex na ipinakikita niya as showbiz celebrity iba sa talagang Alex Gonzaga the private person."

"At least na clear sa grupo namin nila Gorgy, Salve at PatP ang tunay na Alex Gonzaga. Kaya nga ako dahil mabait si Mommy Pinty, sweet si Toni, at magalang si Alex Gonzaga, love ko Gonzaga family. Basta kung anuman iyon sinasabi nila na mga 'kagagahan' ni Alex, ok lang, huwag natin seryosohin."

'Grateful forever!' Lolit, pinaulanan ng papuri ang Gonzaga family

"Sabi nga ni Benjie Paras huwag masyadong sensitive sa mga jokes, take it as a joke, tawanan lang. Kaya go lang Alex Gonzaga, kung saan ka happy, do it. Bongga," giit pa ni Lolit.

Matatandaang nangako na si Lolit noon na hinding-hindi na susulat patungkol kay Alex matapos ang isyu ng miscarriage nito, na inungkat ni Lolit. Nakialam na rin dito ang mister ng vlogger-TV host-actress na si Mikee Morada.

Samantala, binakbakan naman si Lolit ng mga netizen dahil dito.

"Sipsip naman nito hahaha."

"The design is very hugas-kamay nanay. Sa dami ng sinabi mong di maganda sa kaniya before ay ewan."

"The design is very sipsip."

"Haha tao nga naman… palibhasa naabutan ng tulong? Haha."

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din naman kay Alex at Lolit.

"Ganyan talaga mga madalas na taong akala loko-loko pero sa totoong buhay mabait at may respeto di tulad yung iba diyan mahinhin kapag kaharap pero plastik ugali. Lolit di ka nagkamali sa sinabi mo good news 'yan."

"Yes Alex very generous actress… di n'ya kailangang mag-post or ipangalandakan sa social media ang mga ginagawang tulong nya. She's a nice person, only God knows. Congrats Alex!"