Tila galit na ang social media personality at motivational speaker na si Rendon Labador sa taping ng action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo," dahil naapektuhan umano nito ang bentahan ng ilang nagtitinda sa Quiapo, Maynila.

Sey ni Rendon, "Hindi pa ba tumitigil? Tigas ng mukha mo Coco Martin, kailangan pa bang sabihan kita ng dalawang beses? Nakaka-abala ka na sa mga negosyanteng vendor natin diyan sa Quiapo. Kung hindi mo babayaran lahat ng damages at losses sa pag gamit mo ng lugar, umalis-alis ka na diyan. Para sa PUBLIKO at MAMAYANG PILIPINO YAN! Ginawa mong pansarili mo lang? Hindi ka batang Quiapo, isa kang “anak ng tokwa."

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Hati naman ang naging opinyon ng netizens tungkol sa saloobin ni Rendon.

Ilang netizens ang nagsabing baka 'bitter' daw si Rendon dahil hindi umano ito nasama sa cast at hindi nabigyan ng role sa FPJ's Batang Quiapo.

Hirit naman ng iba, totoong nag-alala si Rendon sa mga vendor na umano'y tumumal ang benta dahil naapektuhan sa taping ng nasabing pelikula.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na naglabas ng sama ng loob si Rendon sa nasabing isyu.

BASAHIN: Rendon Labador sa pagiging istorbo raw ng Batang Quiapo: ‘Tigil na ninyo ‘yan!’

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Coco o maging ang ABS-CBN tungkol dito.