Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang "life quote" ng news anchor/journalist na si Julius Babao na mababasa sa kaniyang tweet noong Marso 1.

Bagama't walang pinangalanan, naniniwala ang maraming netizens na maaaring patungkol ito sa isyung pasabog ukol kay dating Kapamilya actress Hope "Liza" Soberano. Nataon kasing mainit na pinag-usapan ng lahat ang "This is Me" vlog niya, na naglalaman ng kaniyang paliwanag kung bakit iba na ang tinatahak ng kaniyang career ngayon sa ibang bansa, sa ilalim ng "Careless" ni James Reid.

"Always be thankful of your past. No matter how bad some experiences may have been it helped shape the person that you are now. Instead of dwelling on them, focus on the blessings. #LifeIsBeautiful #lifequote #inspiration," ani Julius.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/juLiusbabao/status/1630767650455584768

Mababasang wala namang pinangalanan ang journalist/news anchor subalit kinuyog siya ng netizens na karamihan ay tagahanga ni Liza. Nagkataon din kasing nakapanayam nila ng misis na si Christine Bersola-Babao ang dating talent manager ni Liza na si Ogie Diaz.

https://twitter.com/juLiusbabao/status/1630752371474317312

"There are 2 sides of the story. If you'd watched the vlog, you know she is grateful."

"Sure ka ba po na pinanood mo yung vlog nya?very thankful naman po sya doon ah."

"Hinahanap ko yung pangalan sa post pero wala naman ako makita. Pero dami nag-rereact and advising na wag mag-judge. Pero sila nag-jump into conclusion."

"Saan ang pangalang Liza diyan? Daming kumakahol haha."

"Tama naman. Kahit sino, artista o ordinaryong tao, walang masamang abutin ang mga pangarap subalit wala ring mawawala kung 'tatanaw' sa mga taong nakatulong sa iyo kung nasaan ka man ngayon."

Wala pang tugon, reaksiyon, o panibagong pahayag si Babao tungkol dito.