Certified Viva artist na nga ang dating Kapusong si JC Tiuseco matapos pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency noong Pebrero.

Bago maging aktor ay una muna siyang nakilala bilang sole survivor ng Survivor Philippines Season 1 ng GMA Network noong Disyembre 14, 2008.

Noong 2021, pinasok na rin niya ang pagiging isang Navy reservist.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

"I'm happy to finally be part of the Viva family. @vivaartistsagency," saad ni JC sa kaniyang Instagram post noong Pebrero 18, kasama ang bosses ng Viva.

Ayon sa napag-usapan ni JC at iba pang VIva bosses, mukhang sasabak sa action movies ang dating Kapuso actor. Wala namang magiging problema sa kaniya dahil bukod sa batak ang katawan niya sa gym at sports, sapat din ang naging training niya bago maging Navy reservist. Puwede rin umano siyang gumawa ng sports o travel shows. Ang katatagan ng katawan nga ang isa sa mga nagpanalo sa kaniya sa nabanggit na reality show.

Hindi naman nabanggit ni JC kung willing ba siyang sumabak sa Vivamax. Sey ng mga tagahanga niya, sana raw ay mapanood nila ang aktor sa naturang online streaming platform.

"Yes papi 😍 mapapanood na kita sa Vivamax hehehe."

"Mukhang may bago sa Vivamax niyan."

"Isabak agad 'yan sa vivamaxxxx aruuuuuhhh!"

"Vivamax please! Lakas ng dating niya lalo na sa mga accla."

"Noong nasa GMA pa s'ya, ayaw n'ya mag-trunks hanggang abs lang daw kaya n'ya. Ngayong nasa Viva ka hindi pwede naka-board short kapag naliligo sa batis."

Anyway, wala pang kumpirmasyon mula sa Viva kung pakikinggan nila ang hirit ng netizens na masilayan si JC sa Vivamax.