Maraming mga magulang ang mukhang naka-relate sa daddy netizen na si "Likes Evangelista" matapos niyang i-flex ang "impluwensyang" naidulot ng sikat na Disney movie na "Frozen," sa kaniyang walong taong gulang na anak na si Arya.
Mababasa ang kaniyang post sa Facebook page na "Homepaslupa Buddies 3.0." Kalakip ng kaniyang post ang nakakalat na maliliit na styrofoam sa loob ng kanilang bahay, na ginawang "snow" ng kaniyang anak.
"Mga kapitbahayđ Hindi po pala maganda yung movie na Frozen sa mga bata dahil ginagawa rin nila yung 'I wanna build a snowman' đââď¸âď¸," ani Likes sa kaniyang post.
"As in buong kuwarto po namin merong white balls na styrođ."
"Pero sabi nga ng dad ko minsan lang sila magiging bata at darating ang araw na tayong mga magulang na ang mapapaisip bakit wala nang nagkakalat, 'yon ay dahil may kaniya-kaniya na silang pamilyaâĽď¸âĽď¸. Kaya sulitin po natin ang pagkakataong itoâŚ"
Ayon kay Likes, bilang isang magulang, walang kaso sa kaniya kung maglinis pa siya ng mga ikakalat ng kaniyang anak.
"Ok lang na tagalinis tayo ng kalat nila⌠ang importante ay masaya sila at walang sakitâŚ"
Sa comment section, marami sa netizens ang kinagiliwan ang ginawa ni Arya dahil naka-relate daw sila bilang magulang. Sa kabilang banda, may nagpaalala rin kay Likes na maging maingat sa white balls styro dahil baka pumasok ito sa ilong ng bata, at hindi ito makahinga.
"Huwag po kayong mag-alala hindi po niya sinusubo yung styro, sa baby alive po n'ya pinapakain," paalala ni Likes.
Sa isang Facebook post, pabirong sinisi ni Likes sina "Ana" at "Elsa" na siyang bidang magkapatid sa Frozen.
"One of the best parts of being a parent is cleaning up the messđđ."
"Do you wanna build a snowman pa moređđâââ."
"Elsa at Ana kasalanan n'yo 'to ehđđ," ani Likes.
Sa panayam ng Balita kay Likes, hindi siya makapaniwalang magba-viral ang kaniyang post dahil naglilinis lamang naman daw siya ng mga sandaling iyon.
Siya ngayon ang nag-aalaga kay Arya dahil ang misis niya ay nagtatrabaho sa barko.
"Eight months kasi ang wife ko sa barko, and since pinanganak si Arya, ganito na po set up namin, 8 years old na siya," sagot pa ng ama.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o âdi kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!