Walang plano ang Department of Education (DepEd) na magsuspindi ng klase sa kabila ng nakaambang isang linggong transport strike ng ilang transport groupsa Marso 6 hanggang Marso 12.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, walangsuspensyonng klase namagaganapsa mga lugar na apektado ng naturang tigil-pasada.

Ang mga mag-aaral aniya na hindi makadadalo sa in-person classes ay maaari namang ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng alternative delivery modes.

Una nang tiniyak ng ilang transport group na tuloy ang pagdaraos nila ng transport strike bilang pagtutol sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program na isinusulong ng pamahalaan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ang naturang tigil-pasada ay nakatakdang idaos ng ilang transport group sa ilang lugar sa National Capital Region (NCR) at Region 3 kung saan aabot sa 300,000 commuters ang posibleng maapektuhan.