Para sa isang kilalang doktor at content creator, ang tatlong senyales na ito sa isang tao ay nagpapakitang hindi pa siya handang makipag-relasyon “mentally.”

Ito ang parehong health at relationship tip kamakailan ni Dr. Winston Kilimanjaro Tiwaquen o mas kilala sa pangalang Dr. Kilimanguru online.

Hindi mo kayang maging masaya nang mag-isa.

Pagsisimula ng doktor: “Dapat ang primary source of happiness mo ay ang sarili mo, secondary na lang ‘yung jowa mo.”

Human-Interest

KMJS episode tungkol sa 'VA' story, umani ng samu't saring reaksiyon sa netizens

Ibang kaso naman aniya kung nakararanas ng depresyon ang isang partner sa isang romantic relationship.

“Syempre sa kasong ‘yan, you seek professional help. Hindi ang jowa mo ang gagawin mong psychiatrist mo,” aniya.

Hindi ka ready masaktan.

“Isa ito sa mga risk of being in a relationship kasi wala namang perpekto na tao. Kahit yan pa ‘yung pinaka-religious na tao na kilala mo, may mga panahon na hindi sadyang masasaktan ka,” paliwanag na anang netizens ay hugot din ni Dr. Kilimanguru.

Hindi naman aniya ibig-sabihin nitong normal ang pang-aabuso sa isang relasyon.

“Abuse is never normal in a relationship. Iba ‘yung intensyonal at paulit-ulit kang sinasaktan, iwan mo na ‘yan,” dagdag na payo na ng doktor sa milyun-milyong followers.

Hindi mo inaalagaan ang sarili mo.

Simpleng patanong na paliwanag ng doktor: “How can you care for someone if you don’t care for yourself.”

Ikinarelate ng maraming netizens ang naturang content para agad na tumabo ito sa nasa 40,000 reactions at higit 5,000 shares sa pag-uulat.

Basahin: Doktor, nagpaalala ukol sa pagpapamukha sa timbang ng isang tao: Hindi nakaka-motivate – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Si Dr. Kalimanguru ay isang aktibong doktor at content creator na nagbibigay-linaw o impormasyong medikal sa ilang karaniwang paksa sa ilang usapang pangkalusugan online.

Layon ng kaniyang content na maging kaagapay ng mga Pilipino sa health education sa paniniwalang ito ang unang hakbang para maiwasan ang ilang nakamamatay na sakit kagaya ng hypertension at diabetes, bukod sa iba pa.

Kalakip ng makabuluhang impormasyon ang nakakaaliw na twist sa mga content ng doktor kagaya ng nabanggit na pagpapahalaga sa mental health sa pakikipagrelasyon.