Kasabay ng "pagkalungkot" ni Rosmar Tan sa "pagtawa" sa isang meme sa kaniya ni Zeinab Harake ay ang pag-amin niyang tagahanga siya ng nabanggit na social media personality noon.

Unang gulo sa Marso: Bangayang Rosmar, Zeinab at Rabiya, nagbabadya?

Ikinuwento pa ni Rosmar na noong nangailangan si Zeinab ng mga kuneho sa vlog nito, dali-dali siyang nagtungo sa Recto, Maynila at nanggalugad ng kuneho.

Balak niya raw kasing ibigay ito nang personal kay Zeinab para maka-meet and greet niya ito.

"Idol pa naman kita. Naaalala ko pa nung kailangan mo ng props sa vlog mo, nag tricycle pa ako sa recto para mag hanap ng mga kuneho. Dahil gusto ko dalhin sayo para makapag papicture man lang ako sayo, Ending nagbago isip mo kaya di mo na kailangan ang kuneho, kaya di kita nakita. Pero inintindi ko nalang yun at inalagaan ko nalang yung mga kuneho," ani Rosmar.

Sa isa pang post, nagpahayag ng pagkadismaya si Rosmar sa kaniyang mga idolo.

Payo ng netizens kay Rosmar, 'wag na umano niyang pansinin ang sinasabi ng ilang social media personalities tungkol sa kaniyang concert dahil baka inggit lang umano sila sa matagumpay at pinakamalakas na concert ni Rosmar.