Nagbigay ng mensahe ang dating Kapamilya actress na si Hope "Liza" Soberano sa mga taong nagsasabing "ungrateful" siya o walang utang na loob sa mga taong nagsilbing tulay upang sumikat siya sa showbiz at nabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Liza, sinabi niyang grateful siya sa lahat ng mga karanasan niya, sa 13 taong pagiging Kapamilya, at sa lahat ng mga taong nakatulong sa kaniya.

"I feel like a lot of people have mixed reactions towards my vlog, but I’m speaking from my experiences and I will reiterate that I am truly grateful for everything that I had and everything that I had experienced, everything that I have achieved in life. And I acknowledge that I wouldn’t have any of that if everybody along the way wasn’t there with me," sagot ni Liza sa panayam.

Nilinaw rin ni Liza na hindi naman siya imbyerna sa kaniyang screen name; ang sinasabi lamang niya, hindi siya ang pumili nito para sa kaniyang sarili. Kahit sinabi niyang "Hope Soberano" na ang bet niyang itawag sa kaniya, puwede pa rin naman daw siyang tawaging "Liza."

Liza Soberano, binasag ang katahimikan tungkol sa panibagong tinatahak ng career

Grateful din si Soberano sa kaniyang talent manager noon na si Ogie Diaz.

Matatandaang binigla ni Liza ang lahat dahil sa kaniyang "This is Me" vlog noong Linggo, Pebrero 26.