Naglaan ng ₱4 bilyong fuel subsidy ang gobyerno para sa mga driver ng public utility vehicle (PUV) at magsasaka.

“As directed by President Ferdinand Marcos, Jr., this administration will continue providing fuel subsidies to our kababayan, especially in the most vulnerable sectors — public transport and agriculture,” pahayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman.

“Kagagaling lang po natin sa pandemya. Naiintindihan po natin na maraming naapektuhang drivers and even our farmers and fisherfolks. We are banking on our transport and agriculture sector to boost economic recovery. And so we need to provide them the help and boost they need," aniya.

Nasa ₱3 bilyon ang inilaan ng pamahalaan para sa fuel subsidy ng mga driver ng PUV, taxi at tricycle.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Bibigyan din ng subsidiya ang lahat ng full-time ride-hailing at delivery services driver sa buong bansa.

Aabot naman sa ₱1 bilyong fuel assistance ang ipamamahagi sa mga magsasaka at mangingisda.

Tinatayang nasa 312,000 magsasaka at mangingisda ang inaasahang mabibigyan ng tig-₱3,000 upang matiyak na hindi maaapektuhan ang kanilang produksyon at pangingisda, ayon sa pagkakasunod.