Sinopresa ng Kapuso star Benjamin Alves ang tambalang Clent at Brent ng bagong cellphone at iba pang package.

Sina Clent at Brent ang tambalan sa likod ng viral-hit meme na "titikman" dahil sa kanilang “Titkman o Tatakpan Challenge.” Isa sa mga nakasama sa listahan nito ay ang Kapuso actor.

Human-Interest

ALAMIN: Anong dapat gawin ng mga babaeng hirap magpapayat dahil sa PCOS?

Abot-ngiti naman ang pasasalamat ng dalawang bata sa kanilang idolo.

"Thankyou so much kuya Benjamin Alves! We are so happy po kuya!" caption ng dalawa sa kanilang Facebook page na "Clent and Pambansang Virgin," kalakip ang larawan ng mga ipinadala ni Benjamin.

“Enjoy, kids,” komento naman ng aktor.

Pinayuhan naman ni Benjamin ang dalawang bata na mag-aral nang mabuti.