Kinilala si Pop Star Selena Gomez na bagong Queen ng Instagram matapos siyang maging 'most followed female' sa naturang social media app, ayon sa Guinness World Records (GWR).

Sa ulat ng GWR noong Lunes, Pebrero 27, nagkaroon ng 381,580,525 followers sa naturang app si Selena noong Pebrero 23 lamang, dahilan para matalo niya ang dating queen na si American media personality na si Kylie Jenner.

Unang naging most followed female sa IG si Kylie noong Disyembre 20, 2021 dahil sa pagkakaroon nito ng 290,683,268 followers.

Tuloy-tuloy umano ang kaniyang pagiging most followed na babae sa IG bago siya nalamangan sa followers ni Selena nitong Pebrero.

“Selena’s recent record means she ranks fourth overall for the most followers on Instagram, with Cristiano Ronaldo, Leo Messi, and Instagram’s own account ahead of her,” anang GWR.

Over all daw na may pinakamaraming followers sa Instagram si Cristiano Ronaldo na mayroong tumataginting na 552-milyong followers.