Napa-wow ang mga netizen sa mga ibinahaging litrato ni Kapuso actor Jak Roberto kung saan makikita ang kaniyang mga "pandesal" habang nasa gym.

"Consistency is the 🔑," caption ni Jak sa kaniyang Instagram post.

View this post on Instagram

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)

Kuya Kim, flinex mga 'pandesal'; bibida sa isang bodybuilding TV commercial

Umani naman ito ng reaksiyon at komento mula sa mga celebrity gaya nina Paul Salas, Gab Valenciano, at Kuya Kim Atienza. Matatandaang si Kuya Kim ay may pa-flex din ng kaniyang abs at magandang katawan kamakailan.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Kape na lang may pandesal na."

"Ji Chang Wook!"

"Pambansang abs talaga…"

"Kelan kayo mag-vlog ni Barbie hehe."