Isang Manilenyo ang pinalad na solong magwagi sa ₱50.7 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO nitong Miyerkules, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang six-digit winning combination ng Lotto 6/42 na 26-14-11-08-07-22 kaya’t naiuwi nito ang katumbas nitong jackpot prize na ₱50,796,013.

Nabili umano ng lucky bettor ang kanyang lucky ticket sa Sampaloc, Manila.

Upang makubra ang kanyang premyo, pinayuhan naman ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang mapalad na mananaya na magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Kailangan rin nitong iprisinta ang kanyang winning ticket at dalawang balidong IDs.

Muli ring hinikayat ni Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga PCSO games upang magkaroon na ng tiyansang maging susunod na milyonaryo, ay makatulong pa sa kawanggawa.

Samantala, mayroon rin umanong 125 mananaya ang nakapag-uwi ng tig-₱24,000 na second prize para sa nahulaang tiglimang tamang numero.

Ang Lotto 6/42 ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Linggo. Mary Ann Santiago