Ibinida ni Kapamilya actress Andrea Brillantes na magtatambal sila sa isang proyekto ni Kapamilya actor Joshua Garcia.

"Secret’s out! 🙈 I can finally share that I've been working with @garciajoshuae for a special project! He’s an amazing actor, super hanga ako! Super excited to work with him more 😉 abangan n'yo ang #JoshDrea!," sey sa caption ng Instagram post ni Blythe.

View this post on Instagram

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Hindi naman idinetalye ni Andrea kung isa ba itong teleserye, pelikula, o Tv commercial. Subalit marami naman ang na-excite sa panibagong tambalang ito.

Sa kasalukuyan ay abala si Joshua sa taping ng "Unbreak My Heart," ang kauna-unahang kolaborasyon ng GMA Network at ABS-CBN kasama pa ang Viu Philippines.