Kasunod ng paglayas na ng online personality na si Toni Fowler at ng kaniyang pamilya sa dating mansyon matapos lang ang mahigit isang taong paninirahan, naispatan namang ibinebenta na ang property online.

Sa isang Facebook post, isang agent sa pangalang Charleine Mae Santos Taruc ang nagpaskil ng ibinebentang bahay at lupa na nakilala bilang “Toro de Palacio” sa Quezon City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Basahin: ‘Malaswang’ MV ni Toni Fowler, impluwensiya ng talamak na porn media sa bansa — batikang screenwriter – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang 600 square meter na lote at bahay ay mayroon nang indoor pool, anim na kuwarto, walong garahe bukod sa iba pa.

Sa ika-337 vlog ni Toni sa YouTube, namaalam na ang online celebrity at kaniyang pamilya sa property na dati ay pangarap lang nila.

Bagaman lilipat sa mas maliit na tahanan, basta’t magkakasama ay masaya pa rin ang internet star na buo aniya ang kaniyang pamilya.

Papasukin ni Toni ang pag-aartista dahilan ng paglipat niya ng mas malapit aniyang matitirhan ng Pamilya Toro.

Noong 2022 lang nang ibahagi ni Toni ang mansyon sa kaniyang YouTube channel.