May paalala ang netizen na si "Mylie Taps" sa Facebook page na "Homepaslupa Buddies 3.0" matapos niyang makatanggap ng hindi lamang isa, kundi dalawang beses "baht coin" o barya sa bansang Thailand, na inakalang ₱10 coin.

"Tingnan n'yo na nang maigi mga sinusukli sa inyo na sampung piso. Pangalawa na 'to," caption ng netizen sa kaniyang post.

Mga larawan mula kay Myla Jean Catapang

Mga Pagdiriwang

National Coming Out Day, paano nga ba nagsimula?

Mga larawan mula kay Myla Jean Catapang

Mga larawan mula kay Myla Jean Catapang

Marami naman sa mga netizen ang nagsabing baht coin ito.

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita kay Myla Jean Catapang, 26-anyos mula sa Taguig City, pangalawang beses na niyang nakatatanggap ng baht coin sa magkaibang pagkakataon.

"Nakuha ko po yung 1st baht coin nung bumili ako ng cat food. Sinukli lang po. Late ko na nalaman. Kaya tinago ko na lang," aniya.

"Then yung 2nd po ngayon. Hindi ko po alm kung kaninong tindahan dahil 3 po ang binilhan ko. Basta nung bibili na lang ako ng palamig pagtingin ko baht coin na naman po."

Kung titingnan ang mga litrato ng baht coin at ₱10 coin ay may paghahawig nga ito.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!